Isang linggo na ang nakakaraan simula ng lumabas ang Katana, ang decentralized exchange ng Sky Mavis. Ngayon ay mayroon na akong sapat na impormasyon upang makapagbigay ng mga praktikal na payo. Narito ang TLDR; Hindi natin maaaring husgahan ang maaaring kitain sa Katana base lamang sa trading fees. Kapag ginawa natin ito, mag-mimistulang mas mababa ang kita dito kumpara sa AXS staking. Ang tanging paraan upang masuri ito ay ang pag estima ng halaga sa hinaharap ng $RON rewards. At lubos na magiging teknikal ang usaping ito!
This opinion article translated into Tagalog by Arzen Ong of BitPinas is originally from Luis Buenaventura II’s Cryptoday Column here. The Tagalog translations of Cryptoday are published one day after the English version is out (two days for this piece). Luis is the country manager for the Philippines at Yield Guild Games, co-founder of BloomX, a licensed virtual asset exchange provider in the Philippines, and founder of the Cryptopop Art Guild. For any comments and questions, please message Luis directly on Twitter.
AXS Staking vs Katana
Table of Contents.
Una sa lahat, tignan muna natin ang pangunahing kinukumpara natin dito bilang isang investment opportunity. Ito ay ang: stake.axieinfinity.com. Ang kasalukuyang pool nito ay kayang magbigay ng 110% na returns per annum, lumalabas na 9% kada buwan. Kung magdeposito ka dito ngayon ng 30 AXS, ang magiging buwanang “sahod” mo dito ay nasa PHP 15,000 na mula sa staking rewards lamang. Kung passive income din lang ang pag uusapan ay mahirap talunin ito.
Pero syempre, hindi naman lahat ay mayroong 30 AXS (~Php 210,000).
Buti na lamang ay binigyan na tayo ng Sky Mavis ng paraan para magkaroon nito: maglaro ka lang ng Axie Infinity at tipirin mo lahat ng kita mo dito. Kung matiyaga ka sa pag convert ng iyong SLP rewards sa AXS at agad na pagstake nito kada buwan, maaari mong kitain ang 30 AXS sa loob ng isang taon. Hindi man ito agad-agad, pero makakatiyak ka na low-risk ang investment strategy na ito na tutulong upang magkaroon ka ng passive returns mula sa iyong active income.
Ngayon ay balikan naman natin ang Katana. Alam na natin na ang mga taong nagbibigay suporta sa mga exchange sa pagpapahiram ng kanilang kapital ay regular na tumatanggap ng $RON tokens. Sila ang tinatawag na mga Liquidity Providers o LP. Ako mismo ay nag LP para sa Katana simula ng ilabas ito at kumita na din ako ng ilang daang $RON na inilaan para sa akin. Alam din natin na ang $RON ay hindi maaaring i-withdraw sa ngayon, at hindi pa rin naman ito magagamit kahit na ma-withdraw pa natin ito.
Subalit sa susunod, ito lamang ang magiging paraan ng pagbayad para sa mga transaksyon sa Ronin blockchain. Kaya naman sa ngayon, lahat tayo ay umaasang ang $RON ay magkakaroon ng halaga pagkatanggap natin sa mga ito mula sa ating allocations. At ang tanong na gustong malaman ng lahat ay, magkano ba ang magiging halaga nito?
$RON
Upang ating matukoy ang posibleng maging presyo nito sa hinaharap, kailangan muna nating maintindihan kung ano ba talaga ang $RON. Ayon sa Sky Mavis, ito ang token na nagrerepresenta sa ecosystem ng Ronin, kung saan ang Axie Infinity at ang Katana exchange ang dalawa sa nangungunang brands dito.
Upang mas madali itong maintindihan, alam naman nating lahat na ang Marvel Cinematic Universe ang isa sa pinakamalaking move franchise sa kasaysayan, ngunit isa lamang ito sa maraming brands na pag-aari ng ‘The Walt Disney Co.’ (Pag-aari din nila ng Pixar, Star Wars, ESPN, at FOX).
Sa papel, ang $RON ay parang stocks ng Disney, at ang presyo nito ang nagsisilbing basehan kung ano ang kalagayan ng ecosystem ng Sky Mavis.
Ano pang ibang crypto ang maaaring ikumpara dito? Nariyan ang Polygon Network ($MATIC) na mayroong pagkakapareho sa Ronin. Pareho silang Ethereum-dependent, at nagbibigay access sa mga blockchain applications gamit ang layer 2. At parehas din silang gumagamit ng Proof-of-Stake validators. Ang $MATIC ay may kasalukuyang halaga na nasa $1.70, at ang ang average na transaktion dito ay nasa 4M kada araw, samantalang ang Ronin naman ay nasa 3M kada araw.
Sa tingin ko ba ay aabot ang $RON sa $2.00 na presyo gaya ng $MATIC? Matagal kong pinag-iisipan ang tanong na ito noong nakaraang linggo. At ito ang aking sagot.
Ang Ron at ang Ronin Ecosystem
Alam natin na mayroong 1 bilyong $RON na naghihintay na ibahagi mula sa isang address sa Ronin blockchain. Alam din natin na araw araw, may inilalaang 1.1 milyon na $RON para sa lahat ng taong naglagak ng liquidity para sa Katana. Ibig sabihin nito, kung hindi magbabago ang schedule, aabutin ng 900 araw bago tuluyang maipamahagi ang lahat ng $RON mula sa nasabing address. Pagdating ng Abril ng 2024, lahat ng $RON tokens ay dapat nasa kamay na ng lahat ng stakeholders at ng komunidad.
Ngayon, kung ang $RON ay tunay na nagrerepresenta ng kabuuang ecosystem, malabong mangyari na ang marketcap nito ay magiging katulad ng $AXS, na kasalukuyang may halagang $140 kada isa at mayroong $9.5 bilyong marketcap. Para mo na ring sinabi na ang Marvel Cinematic Universe ay mas mahal pa sa kabuuan ng Walt Disney Co, kahit na pag aari nila ito. Kahalintulad na din ng halaga ng $ETH kumpara sa lahat ng mga ibang tokens na nasa Ethereum. Kapaglaon ay magkakaroon din ang $RON ng market cap na kaparehas o higit pa sa $AXS.
Balikan natin ang mahalagang tanong na magkano nga ba dapat ang magiging halaga ng $RON? Sa ganitong paraan ko iniisip ito: Kapag ang halaga nito ay hindi lumagpas ng $10, ibig sabihin ay nabigo itong ‘pangatawanan’ ang konsepto ng pagiging isang ecosystem token, dahil ang marketcap nito ay magiging mas maliit pa sa $AXS. Kaya posible man na hindi magsimula ang presyo nito sa $10, kinakailangan nitong marating ang ganitong halaga upang matupad nito ang kanyang layunin. Naniniwala akong gagawin ng Sky Mavis ang lahat upang masiguro ito.
Ngayon, kung sakaling eksakto ang estima natin sa $10, ang magiging annual return para sa mga Katana LP’s ay aabot ng 300%, kung saan lumalabas na magiging malaki ang kita nito kumpara sa AXS staking. Pero bago ka magsimulang mag unstake, wag mong kalimuitan na ang annual rate ng return ay nakadepende sa kada minutong pagbabago ng kabuuang pool nito. Ang mga teoryang ito ay base sa AXS-WETH pool size na nasa $750M, at ng SLP-WETH pool na nasa $450M naman. Tandaan na ang tunay na halaga ng $RON farming ay makikita lamang sa pagtingin ng magiging paggalaw nito sa hinaharap, dahil hindi naman natin malalaman kung lalaki ba o liliit ang mga pools na ito sa hinaharap.
Subukan Maging Liquidity Provider
At pakiusap, huwag nyo sana akong tanungin kung gaano katagal aabutin ang merkado bago maging $10 ang presyo nito, dahil alam ng lahat na hindi ako magaling tumantya ng mga timescales pagdating sa crypto.
Naalala ko noon, nasa TV ako noong 2017 at sinabi ko na aabot na ang Bitcoin ng $50,000 noong taon ding iyon. Ayun, nahuli ung prediksyon ko ng 4 na taon! Sa kabilang dako naman, inaasahan ko na ang $ENS rewards na natangap ko dalawang araw na ang nakakaraan, ay aabot ng $50 sa susunod na taon. Sa panahon na isinusulat ko ito, umabot na ang presyon ito sa $60. Ito lang ang makukumpirma ko sa inyo sa ngayon. Kung kayo ay nag-hahanap ng isang simpleng investment na may direktang balik ng puhunan in real-time, ang AXS staking ang pinakamagandang option para sayo.
Pero kung mayroon ka namang extra liquidity at gusto mong pumusta sa hinaharap ng Ronin ecosystem, subukan mong maging Katana LP. Sa ngayon ay parehas ko itong sinusubukan, at ang magandang balita ay madali lang baguhin ang balanse ng iyong posisyon kung sakaling magbago man ang isip mo sa hinaharap.
Kita kita ulit tayo sa susunod na linggo, mga kacrypto!
Ang artikulong ito ay nailathala sa BitPinas: Cryptoday 058 – Paano Kumita Gamit ang Katana Dex ng Axie Infinity (Part 2)
Source: https://bitpinas.com/op-ed/cryptoday-058-katana-ronin-dex-part-2-tagalog/